Tuesday, 20 September 2011

Camarines Sur Short Term Rental

Camsur Water Sports Complex | Pili, Camarines Sur
Ang Camarines sur ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Bicol sa Luzon at ang bayan ng Pili ang kabisera nito. Pinakamalaki ang Camarines Sur sa anim na lalawigan ng Bikol sa lawak ng lupa at populasyon. Dito matatagpuan ang dalawa sa pinakamaunlad na lungsod sa rehiyon ang Naga City, ito ang sentro ng komersyal kung saan ipinagmamalaki ang mga mall katulad ng LCC Central at iba pang maliliit hanggang katamtamang tindahan maging ng institusyong edukasyonal at kultural. Samantalang ang Iriga City na bahagi nito ay ang sentro ng Rinconada. Sa lalawigan na ito matatagpuan ang pinakamaliit na isdang komersyal na kilala sa tawag na Sinarapan sa Lawa ng Bato at Lawa ng Buhi. Dahil ang lalawigan ay nasa rehiyon ng Bikol, ang pangunahing wika sa Camarines Sur ay wikang Bikolano. Gayumapaman karamihan sa mga mamamayan ng lalawigan ay nakakaunawa ng salitang Tagalog at Ingles. Produktong agrikultura ang nangunguna sa ekonomiya ng lalawigan, ilan sa mga produkto dito ay ang producing rice, corn, feedmeal, fish and livestock.
Caramaoan Beach | Camarines Sur
Gaya ng ibang lalawigan o lugar sa bansa ang Camarines Sur ay nagtataglay rin ng mga tourist attraction o sikat na pasyalan. Ito ay pinangungunahan ng pagdiriwang sa Peñafrancia Festival na ginaganap tuwing buwan ng Setyembre, isang pagkikila at pagbibigay pugay sa kanilang Our Lady of Peñafrancia sa lungsod ng Naga. Ang ilan pa sa mga sikat na lugar dito ay ang Itbog Falls na matatagpuan sa Sta. Cruz Buhi, isang twin falls na mayaman sa mga puno’t halaman. Pwede marating ang lugar na ito gamit ang banca mula sa bayan ng Buhi kalakip ang kalahating oras na paglalakbay. Matatagpuan din sa Lawa ng Buhi ang La Roca Encantada na isang napakagandang isla. Makikita rin dito ang mga kamangha-manghang kuweba tulad ng Calapnitan cave, Omang cave at Adiangao cave. Hindi rin ito pahuhuli sa mga natatanging beaches, resorts, rest house at marami pang iba. Isa sa mga natatangi nitong beach ay ang Caramoan Beach na sinasabing maikukumpara sa prestihiyosong Miami Beach sa Florida. At syempre ang pinakasikat na marahil sa lahat na talagang dinarayo ng maraming turista maging lokal o dayuhan ay ang Camsur Watersports Complex, ito ay isang watersports park kung saan pwedeng mag wakeboarding, wakeskating at waterskiing. Naging posible ang mga gawain ito sa tulong ng paggamit ng 6 point cable ski system na angkop para sa mga baguhan at propesyonal na wakeboarders. Naging biyaya para sa lalawigan ng Camarines Sur ang mga mamalaking alon na siyang naging daan upang madiskubre ang ganitong klase ng laro. Ang prestihiyosong International wakeboarding competitions ay dito nagaganap, sa katunayan maging ang World Wakeboard championship ay dito rin nangyari. Kaya’t hindi na nakakapagtakang ang mga lokal na turista, artista at mga dayuhan ay naakit sa lugar na ito. Bukod sa masayang gawain, mayroon ding Camarines Sur Short Term Rental services na siyang magbibigay ng isang maayos na kanlungan para sa inyo. Bukod dito naryan din ang mga hotels, resorts at rest house. Talagang maraming pagpipilian, kaya’t huwag mag-atubiling pumunta sa Camarines Sur at isama ang buong pamilya o mga kaibigan, here you’ll have a great time enjoying world class amenities and destinations. Discover the beauty of the Philippines!



Location


Camarines Sur lies at the center of Bicol Peninsula. The province is the largest in the Bicol region in terms of land area and population. Surrounding it are mountains, the eastern part of  the province lies on the mountainous Caramaoan Peninsula, which faces the island of Catanduanes to the east.  
Map of Camarines Sur showing the location of Pili
Map of the Philippines
showing Camarines Sur












No comments:

Post a Comment